"Pagsusuri sa Pelikulang "She's Dating The Gangster"
"She's Dating The Gangster" Direktor: Cathy Garcia-Sampana Petsa ng Panunuod: 11-05-24 Buod/Sinopsis: Ang She's Dating the Gangster ay tungkol kina Athena (Kathryn Bernardo) at Kenji (Daniel Padilla). Si Athena ay napilitang magpanggap na kasintahan ni Kenji, isang "bad boy" sa eskwela, upang pagselosin ang ex-girlfriend nito. Habang nagkukunwari sila, unti-unti silang nagkadebelopan at nahulog sa isa’t isa. Ngunit sa kabila ng kanilang damdamin, hinarap nila ang mga pagsubok at lihim ng kanilang nakaraan. Ang pelikula ay isang kwento ng pagmamahalan, sakripisyo, at pag-asa. Pagsusuring linggwistiko Wika at dayalekto: Filipino at Ingles na nagpapakita ng modernong bilinggwalismo. Pinapadama nito ang pagiging relatable ng pelikula sa mga kabataan. Mga gamit na salita: Ang mga linya ng tauhan ay nagpapakita ng kilig, saya, at lungkot, na nakakatulong sa pagbuo ng emosyon sa manonood. Istrukura ng Wika: wikang balbal: Ang istrukturang ito ng wika a...