"Pagsusuri sa Pelikulang "She's Dating The Gangster"

"She's Dating The Gangster"
Direktor: Cathy Garcia-Sampana
Petsa ng Panunuod: 11-05-24

Buod/Sinopsis: Ang She's Dating the Gangster ay tungkol kina Athena (Kathryn Bernardo) at Kenji (Daniel Padilla). Si Athena ay napilitang magpanggap na kasintahan ni Kenji, isang "bad boy" sa eskwela, upang pagselosin ang ex-girlfriend nito. Habang nagkukunwari sila, unti-unti silang nagkadebelopan at nahulog sa isa’t isa. Ngunit sa kabila ng kanilang damdamin, hinarap nila ang mga pagsubok at lihim ng kanilang nakaraan. Ang pelikula ay isang kwento ng pagmamahalan, sakripisyo, at pag-asa.
Pagsusuring linggwistiko
Wika at dayalekto: Filipino at Ingles na nagpapakita ng modernong bilinggwalismo. Pinapadama nito ang pagiging relatable ng pelikula sa mga kabataan.

Mga gamit na salita: Ang mga linya ng tauhan ay nagpapakita ng kilig, saya, at lungkot, na nakakatulong sa pagbuo ng emosyon sa manonood.

Istrukura ng Wika: 
wikang balbal: Ang istrukturang ito ng wika ay tumutulong sa pagsasalarawan ng iba't ibang aspeto ng relasyon, damdamin, at kabataan sa makabagong panahon.

Pagpapakahulugan: Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pagmamahalan.

Pagsusuri ng Kulturang ponomenal
Mga tema: Pag-ibig at Sakripisy: Ang pelikula ay nagpapakita kung paano handang magsakripisyo ang mga karakter para sa kanilang minamahal. Ang kwento nina Kenji at Athena ay puno ng pagmamahal na may kasamang mga pagsubok at sakripisyo.

Representasyon ng kultura: Ito ay nagpapakita ng isang tunay na pianglipino sapagkat handa niyan isakripisyo ang lahat para sa kaniyang minamahal.
 
Pagkakakilanlan: Ang Dating the Gangster ay naging isang pelikula na puno ng mga aral tungkol sa buhay, pagmamahal, at pagkakaroon ng mga personal na pangarap.
Konklusyon: Sa konklusyon, natutunan ng mga pangunahing tauhan ang halaga ng pagpapatawad, pagtanggap, at pagiging tapat sa sarili.

Repleksyon: Sa pelikulang ito ay pinapakita ang pagmamahalan at tunay na pag iibigan sa kabila ng lungkot at sakit na nararamdaman.

Rekomendasyon: ito ay magandang pelikula na tiyak na magugustuhan ng mga kabataan ngayon lalo na ng mga sawi at nagmamahal ng tunay.

Kelly Magat
TVL H.E 11-LILY
Gng. Marjorie Dela Cruz